Himalay

Minsang muling
naglakbay ang isip -

Tila isang manlalayag
siyang nagliwaliw
sa suluk-sulok ng munting daigdig.

Sa kanyang paggalugad
sa tubig, dagat, papawirin
sa gubat, sa parang, sa mga lambak,
napagtanto niyang lahat
Kailangang maglimi
sa mga bagay-bagay.

Leave a Reply