Himalay
Sunday, August 20th, 2006Minsang muling
naglakbay ang isip -
Tila isang manlalayag
siyang nagliwaliw
sa suluk-sulok ng munting daigdig.
Sa kanyang paggalugad
sa tubig, dagat, papawirin
sa gubat, sa parang, sa mga lambak,
napagtanto niyang lahat
Kailangang maglimi
sa mga bagay-bagay.