Archive for July, 2005

Malamang at sa Hindi…

Wednesday, July 27th, 2005

Hindi na kailangan pa ng bolang kristal. Malinaw na malinaw:

Ba-bye GMA!

hay

Wednesday, July 20th, 2005

punta muna ako tambayan para uminom ng kape… kailangan na ring patayin itong pc dahil sa gabi na. may gagawin pa bukas! omigosh!

out for coffee

Tuesday, July 19th, 2005

After the work… kailangan naman magrelax! kaya naman ako, magkakape muna diyan sa tabitabi… bakit nga pala kita namimiss? alam mo na kung sino ka…. love kasi kita eh… =)

nakakapagod pero masaya

Wednesday, July 13th, 2005

Nakakatuwa kapahon (Hulyo 13). Napakaraming tao sa Makati! Tapos ngayon, ang sasabihin ng mga nasa Malakanyang eh, hindi tinig ng taumbayan ang maririnig sa lansangan! Nandoon ang mga taga-Luzon, may mga dumayong mula sa Visayas at maging sa Mindanao! Tapos ang sasabihin nitong mga supporters ni PGMA ay hindi sila nakikigulo mula sa probinsiya.

Matauhan naman kayo! Gising!

Baka madamay kayo sa hatol at galit ng taumbayan, magsisi kayo!

Kunsabagay lagi naman kayong tuta e. Wala naman talaga kayong pagmamahal sa bayan eh! Gusto lamang ninyo, yumaman! O kaya naman eh… ayaw ko nang sabihin… baka mapraning pa ang makakabasa!

Sige… basta… LAYAS GMA, LAYAS!

Anti-GMA rally launched

Tuesday, July 12th, 2005

Punta tayo sa Makati…
Para ating ipagmapuri
ang makabayang sarili.

Sapagkat ang timbangan
ng mailap na katarungan
Nasa ating mga kamay.

Huwag bayaang salaulain
ang dangal ng bayan natin
kaya’t si GMA, ating palayasin!

Walang moral mamuno
Daig pa ang maamong aso
Sunud nang sunod sa amo.

Walang pagmamahal
sa kanyang kababayan
wala siyang pakialam!

Kaya, kapatid
sa baya’y ipabatid
ang tunay na pagibig
nasa iyong dibdib!

Pumunta sa Makati
Sa amin ay sumali
Sa pinakamalaking rali
ng mga galit sa imbi!

Palalayasin sa Malakanyang
silang salanggapang!
Tayo ang bayan!
sa atin ang kasaysayan!

Hukuman natin
ang hahatol!
Tanikala,
Tayo ang puputol!

hahahaha!

Monday, July 4th, 2005

kailangan ko na ulit magbasa at mag-aral ng ispeling (spelling)…. basta… pakiramdam ko kailangan kong magbalik loob sa Ingles… Ah basta! Kailangan kong matutong magsulat sa Ingles, sa Espanyol at sa wikang Hapon… hehehe! malapit na ‘yun. kasi inuumpisahan ko na …