Hindi ko na nasundan iyong about the Star Wars III
Thursday, June 30th, 2005Totoo nga pala ang sinabi ng isang miron na talagang naging isang kuwentong pagibig na ang Star Wars III - The Revenge of the Sith.
Kung hindi ako nagkakamali, nagkomento na rin dito iyong ilang magagaling na kritiko natin. Doon sa mga hindi nakapanood, available na siya sa DVD format doon sa talaytalay na stalls ng mga kapatid nating Muslim sa Quiapo.
Take note of this: The third of the series of the everfamous Star Wars of George Lucas is the evolution of Darth Vader - or before, the handsome and good-hearted (not mentioning brave) Anakin Skywalker.
There are some flaws, of course. The transition of Anakin to the ruthless Darth Vader is quite vague. Pero, napatotohanan na kapag ang isa ay nagnais nang labis na kapangyarihan at lagi’t lagi na lang nakakunyapit sa emosyon - maaring makatawid siya sa other side of the force… hehehe!
Iyon lang… Ang mahal ng bayad sa Cineplex! Buwiset! Pero okay lang kasi ang lamig ng aircon at saka ang ganda ng venue… P180 nga ang binayaran ko eh…