difficult

May 23rd, 2007 by noelbarcelona

It is hard to get things that you want when (1) you are financially constraint; (2) there are two people that are pressing you to move because they don’t know that you are stucked; and (3) even though some persons are supportive, their help is just little and cannot devour even a percent of that discomfort that you feel.

I am struggling to look for a stable job. For the six applications I have sent, only one answered and there is a big risk that I won’t get that job.

Maybe it’s my fault. Yes. It’s all my fault. Many opportunities came but I did not entertain any of them. There are things that came, but I’ve wasted it because I am clinging to the concept that everything you get is just for your enjoyment. I forgot the golden rule: you must take care of it.

Thanks to God I am still breathing notwithstanding that my schedule of eating is erratic. I can’t sleep that well. I have dreams of confusion and disagreement. My subconscious is fighting the conscious.

Thanks to HIM that my fiancé is very supportive of me and everyday, I can feel her love and compassion.

I think, I better get an option that is practical but in the end, will be proven really practical. Hay! Ciao for now!

Movies

March 25th, 2007 by noelbarcelona

Biyaya complained to me yesterday that we are not seeing the movies anymore. Well… It has been two years since the last movie that I saw. Sige… ayusin lang natin ang schedule and finances. Love you mahal! Mwah!

News on Kris and James

February 27th, 2007 by noelbarcelona

"Patay na patay siya kay James."–Hope’s former co-employee

A former employee of Belo Medical Clinic speaks up about the alleged affair of Hope Centeno and James Yap.

Rose Garcia | Tuesday, February 27, 2007

"Patay na patay siya kay James."--Hope's former co-employee

 

"Matagal na namin siyang pinagsasabihan na tigilan niya ang kabaliwan niya kay James dahil wala talaga siyang mapapala. Ayaw niyang maniwala," says a former co-worker of Hope at Belo Medical Clinic.

Photo: Courtesy of GMA-7

Hindi maikakaila na for over a week, ang isyu tungkol sa diumano’y affair ng mister ni Kris Aquino na si James Yap kay Hope Centeno, dating receptionist ng Belo Medical Clinic, ang paboritong usap-usapan, hindi lamang sa apat na sulok ng showbiz kundi maging sa mahihilig sumubaybay ng mga isyu sa local showbiz.

Noong February 25, sa magkatapat na programang S-Files ng GMA-7 at The Buzz ng ABS-CBN ay may parehong topic tungkol sa Kris-James-Hope issue. Sa S-Files, kung saan unang inilantad ni Hope nang buong-buo ang mukha sa publiko, ay nagpahiwatig siya na baka buntis siya. Sa The Buzz naman ay naghatid ng kanyang mensahe si Kris through Boy Abunda, at ipinalabas din ang excerpts sa panayam ni Korina Sanchez sa mag-asawang Kris at James para sa show na Rated K na inere rin noong gabing yun.

Ayon sa interview ni Hope sa Startalk, every Monday kung magpunta si James sa Belo Clinic sa Timog Ave., Quezon City for his facial. Tuwing Monday lang din daw sila nagkikita ni James. Sinabi rin ni Hope na maraming ikinukuwento sa kanya si James, even through text and phone calls, ng mga nagiging problema nila ni Kris.

Mariin itong pinabulaanan ng tatlong dating katrabaho ni Hope na sina Eliz Estrada Pescones, Mitos dela Cruz, at Nice Pangan. Wala raw katotohanan ang mga pahayag ni Hope at "obsessed" lang daw ito kay James.

Sagot naman ni Hope, ang mga dati niyang mga katrabaho raw ang nagsisinungaling at binabaligtad lamang daw siya ng mga ito para huwag matanggal sa trabaho.

Nagkatugma-tugma naman ang mga pahayag nina James at Kris at ng ilang empleyado ng Belo Medical Clinic. Wala raw diumanong relasyon sina James at Hope.

Kaugnay ng kontrobersiyang ito, may nakausap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na dating empleyedo ng Belo Medical Group. Nakiusap siya na huwag na lamang siyang pangalanan dahil ayaw niyang madawit sa isyu at hindi naman na siya connected sa nasabing klinika. Pumayag siyang magsalita dahil gusto niyang linawin ang mga naging pahayag ni Hope, na nakatrabaho niya bago siya umalis.

Ayon sa dating katrabaho ni Hope, "Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ni Hope na ginagawa nila [ni James] yun sa clinic. Pero impossible thing yun kasi palaging may nakabantay sa 2nd floor para magawa nila yun." (Sa second floor ng Belo Clinic isinasagawa ang iba’t ibang services para sa mga kliyente.)

Dagdag pa niya, "Totoo yung sinasabi nina Eliz, Mitos, and Nice na patay na patay siya [Hope] kay James. Nakikipagpalit siya ng sked ng off just to see Mr. Yap. Basta lalaki, makikipag-away talaga ‘yan. ‘Yan ang ugali niya."

"Wala siyang pakialam sa sarili niya or kaya sa kaibigan niya. Matagal na namin siyang pinagsasabihan na tigilan niya ang kabaliwan niya kay James dahil wala talaga siyang mapapala. Ayaw niyang maniwala. I don’t know what’s her point, why she has to appear on TV."

"Mabait naman si Hope. Pero pagdating sa lalaki, ewan parang nawawala na siya sa sarili niya," aniya pa.

Sa pakikipag-usap din ng PEP sa dating kasamahan ni Hope, hindi raw totoo ang lumalabas na edad ni Hope. Ang lumalabas kasi sa mga balita, si Hope ay 24 pa lamang, pero ayon sa dating Belo employee, 29 years old na raw ang babaeng nagke-claim na nakarelasyon niya si James.

Idinagdag pa ng dating empleyado ng Belo Clinic na baka raw desperate na si Hope dahil at her age, hindi pa raw ito nagkakaroon ng any serious boyfriend. Marami raw silang inirereto kay Hope noon, pero hindi raw nila alam kung bakit hindi nagkakagusto or natutuloy.

In the end, sinabi rin ng PEP source na naaawa siya kay Hope. Sa ginagawa raw nito, lalo lang nitong ibinilad sa kahihiyan ang sarili dahil anuman daw ang gawin, aniya, si Hope ang talunan sa situwasyong ito.

Just my plain stupid thoughts

February 22nd, 2007 by noelbarcelona

I have been in a rollercoaster ride the past few days. My life is far different the way it is before: carefree, no hassles. But when my two fathers died, my life began to change. I soon realized that I have two mothers, both widowed, to take care of. In spite of this, I am so blessed. I had so many realizations. I am a much better person now. I admit. I’ve learned a lot. Thank you Lord and thanks to Blessie and my friends. I love you all…

***

New blogs: justmyplainstupidthoughts.tk and directtothepoint.motime.com. Enjoy!

Pagbabalik ng Unang Pag-ibig

December 18th, 2006 by noelbarcelona

Alipato kang dumaiting muli
sa tuyong talahib ng aking gunita.

Sinisilab ang sukal
upang muling makita ang lupa -

Lupang inina ko na yayapos
Matapos na mapugto ang huling hinga.

Hayaan muling magyakap
ang sinag mo at ang isip ko

para muling magluningning
ang tala sa aking noo.

Sic itur ad astra.

Same old guilt

November 18th, 2006 by noelbarcelona

Sometimes, the past haunts us - the past hurts, the past mistakes, the sins left unconfessed yet we wish and pray that it will be forgiven although we know that without confession, absolutely there will be no absolution. And of course, that’s when guilt arises.

When guilt attacks, you wanted to say you’re sorry. Conscience, they say, is speaking to you and you might or might not listen. It’s all up to you - live by guilt or to absolute yourself to the past sins that you have done and say unto yourself: It never happened. Is that true? Only your mind and heart can say.

Still…

October 27th, 2006 by noelbarcelona

Ibinasura na ng Korte Suprema ang petisyon ng Sigaw ng Bayan (ang bayaran ng Malakanyang). Walo laban sa pito ang boto. Pero kuwidaw. Dahil ang intriga: Hindi pinalusot ng mga mahistrado subalit magdedesisyon ito sa susunod… pabor kina Tenga ng Kongreso. Still…

wla lng

September 16th, 2006 by noelbarcelona

wla lang

REALLY?

September 16th, 2006 by noelbarcelona

Ang sabi mo
kayang supilin
ng karahasan
ang karahasan.

Mata sa mata
ngipin sa ngipin
ang napili mong
uri ng paglaban.

Kaya nga ngayon
higit sa pitong daan
ang iyong ipinapatay
at daan-daan naman ang "Nasaan?"

Ngayon nga -
ang dahas mo
ay sasagutin din
ng ibayong karahasan.

Ang paghatol mong
nauulapan
ay tutumbasan
nang paghatol nila

Nilang iyong inapi
nilibak ang lakas
at niyurakan ang dangal.

Luha mo ngayon ang tutulo
kasabay marahil
ng pagpatak ng dugo.

sasabihin nila sa iyo
buhay ang inutang mo
buhay rin ang ibayad mo.

Lutang

September 3rd, 2006 by noelbarcelona

Lumilipad
na tulad ng ibon
ang isip ko.

Isdang napatatangay
sa hampas ng alon.

Parang dahong
malayang isinisiklot ng hangin.

Marahil dahil naalala kita
O sabihing pilit na inaalala

Gayunman
     hindi pa rin
          maipinta sa isip

ang iyong mukha.

Nakapanghihinayang
     O wala namang dapat panghinayangan
Dahil nalisya ka ng landas
at napalayo sa amin?

O marahil dapat ngang manghinayang
      dahil sa pagkalisya mo naging palaboy
ang iyong mga inakay?

O dapat na walang pagsisisi…
Dahil iyan ang pinili mong buhay.